Nung
linggo, nagsimba ako. Gustung guto ko talagang makinig kay father pero may dalawang langgam na papansin na pumukaw ng atensyon ko.
Kitang kita
ko ang isang langgam na itim at langgan na pula na palakad lakad sa pader ng
simbahan. Kung kalian naman kasi homily na, saka pa nagpapansin ang dalawang
ito. O baka naman, hindi sila nagpapapansin, sadyang hindi lang yata ako
nakikinig sa misa. Ah, hindi, sigurado ako, gusto kong makinig, pero papansin
talaga ang dalawang langgam. Habang pinagmamasdan ko ang 2 langgam, nalaman ko na mas mabilis palang
kumilos ang langgam na itim kesa sa langgam na pula. Ang listo listo ng langgam
na itim, nakailang balik balik na sya sa taas at baba ng pader, pero si langgam
na pula, nangangalahati pa lang. Nasisp ko tuloy, sabi nila masisipag
daw ang langgam dahil ‘they save for the rainy days’ daw.
Pero, puede bang tama dang langgam na pula at masipag ang
langgam na itim?
Hindi ko maalala kung ang reyna ng mga langgam ay pula. Kung
pula ang reyna ng mga langgam, puede bang nag uutos lang ang langgam na pula at
ang utusan ay ang mga langgam na itim?
Kaya ba
nangangagat ang langgam na pula ay dahil matapobre sila?
Bakit sabi saken noon, pag itim ay masama, pero bakit
langgam na pula ang mukhang sadyang masama dahil nangangagat sila?
Maaari bang mapagbalatkayo ang langgam na pula?
Bakit hindi nagrereklamo ang langgam na itim kung inaapi
sila ng mapagbalatkayong langgam na pula?
Tsk tsk tsk. Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ko,
gulung gulo na ako. Bakit kailangang magulo ng ganito ang isip ko gayung ang
nais ko lang naman ay making kay father?
Sinasabi ko na nga ba, hindi magandang umupo sa gulid ng
simbahan kung saan nandoon ang pader na na pinamamahayan ng dalawang papansin
na langgam.
“Sa ngalan ng Ama, Anak, at Espitu Santo”… Amen..”Tapos na
ang misa, humayo kayo ng mapayapa”
Ayun, kahit papano, may napakinggan ako..
Ako si Chumembulin at ito ang Adventure ko
No comments:
Post a Comment