“kamusta ka?”
“Eto, lugmok na lugmok sa kalungkutan dahil namatay ang aso kong si Patrasch na ipinangalan ko sa aso ni Nelo, dahil ibinigay sya saken nung pinapalabas pa ang Nelo sa Channel 2. Pero hindi tulad ng aso ni Nelo, nagtagal ang buhay nya at minahal ko sya ng sobra, pero ngayon, patay na sya. Namatay sya sa cancer of the bones at lunngkot na lungkot ako dahil hindi ko sya na ipa chemo.”
Sabay “waaaaaaaa”
Puede rin namang
“Kamusta Ka”
‘Eto, ang saya saya, e akalain mo ba naming sa wakas, natanggal din ang tinik sa lalamunan ko na 1 linngo ko ng iniinda nung nagluto ang asawa ko ng pritong bangus. Lumunok na ako ng 10 bilot na Special Japanese Rice, di natanggal. Kumain na ako ng 1 piging na saging, walang dating. Hanggang hiningi ko na ang tulong ng kaaway kong pusa para kamutin ang lalamunan ko, (dahil biglaan kong naalala na yun ang sabi saken ng nanay ko noong bata pa ako) maya maya pa, wala na ang tinik. Ngayon, katabi ko na sa pagtulog ang lintik na pusa”
"Hindi yang pusang yan ang sinasabi ko"
"hindi rin yan. pusa yan ng kapitabahay"
"yan, yan sya..ang kaibigan kong pusa..ang nag alis ng tinik sa aking lalamunan"
O di ba, mas
may asim ang buhay sa mga sagot na maraming palabok. Kumbaga, the more the
merrier. Parang sinigang lang, mas maraming sampaloc, mas masarap, mas maraming
gabi, mas malapot, mas nakakagutom.
Bakit ko
sinasabi ang lahat ng ito? Wala lang, wala kasi akong maisip kung paano
sisimulang ang kalokohan kong blog na ito, kaya naisip (so may naisip pala
ako), na ito na lang.
Kaya dito nagsisimula ang adventure ko.
Ako si
Chumembulin, at ito ang Adventure ko!!!
No comments:
Post a Comment