Kinokontrol
ng utak ang lagusan, “wag kang bubukas”. Masunurin ang lagusan sa utak, ngunit
sadyang mapanubok ang hanging nag-uumalpas upang magkaroon ng kalayaan.
Ginagawa ng hangin ang lahat ng paraan upang makaalpas ito at sadyang sinisubok
ang lakas at katatagan ng lagusan. “Kailangan kong makalabas” sabi ng hangin. “Hindi
maaari, huwag dito, huwag dito” sagot ng lagusan. Nagmamatigas din ang utak,
ayaw pagbigyan ang hangin, ngunit tulad ng tubig, kahit anong pagpipigil,
nakakagawa ito ng paraan upang dumaloy. Maya maya pa’y wala nang nagawa ang
lagusan maging ang utak, ang nag uumalpas na hangin ay nakakawala sa tubong
kanyang dinadaluyan, bumukas ang lagusan at tuluyang bumaho sa MRT.
E anong,
magagawa ko, hindi ko naman talaga gusting mautot sa MRT. Ayoko naman talagang dito
ilabas ang masamamng hangin na to, pero anong magagawa ko. Baka sa sobrang
kapipigil ko e bumalik pa sa tyan ko at sa bibig ko pa mailabas, e di mas
lalong mahirap naman yon.
Imaginine
nyo na sa loob ng siksikang tren na ito, lumabas ang di kaiga-igayang hangin na
sinusukol ko.
(wag nyo kong hanapin jan, di nyo ko makikita dahil ako ang
naglilitrato, duh)
Siempre, patay malisya ako. Kitang kita ko kung paano
nagtakip ng ilog ang babae sa tabi ko, pero, pasensya na Miss, di ko sinasadya.
At siempre, wala nang aminan to, nang magtakip sya ng ilong, nakitakip na din
ako..isang senyales na sinasabing, o, hindi ako yon, baka yung isang katabi
natin. Bahala na kung maniwala sya o hindi.
O, huwag
masyadong magmalinis, aminin nyo man o hinde, sigurado ko na minsan nyo na ring
pinaalpas ang hangin nyo sa loob ng MRT at nanahimik na parang walang
nangyari..yon e, kung matahimik nyong nagawa ang maitim na gawaing ito. Isa
lang naman ang sikreto jan, basta walang tunog, paglabas ng hangin, wag na wag
kang titingin sa katabi mo o sa katapat mo, dahil pag nagkita kayo sa mata,
siguradong ang laman ng utak nya, “Huli Ka Balbon”!
Ako si
Chumembulin, at ito ang adventure ko!
No comments:
Post a Comment